Dadalo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa graduation ceremony ng PNPA o Philippine National Police Academy ngayong Biyernes.
Ayon sa Philippine Information Agency, magsisilbing guest-of-honor si Pangulong Duterte at ipiprisinta ang Presidential Kampilan kay PNPA MASIDLAK class of 2017 topnotcher, cadet Macdum Enca ng Cotabato City.
Samanatla, si Robredo naman ang maggagawad ng Vice Presidential KAMPILAN kay Cadet Midzfar Hamis Omar ng Tawi-Tawi.
Ang nasabing seremonya ay gaganapin sa Gen. Cicero Campos grandstand sa Silang, Cavite.
By: Meann Tanbio