Nagpalabas na ng Hold Departure Order (HDO) ang Sandiganbayan 4th Division laban kay Optical Media Board (OMB) Chair Ronnie Ricketts at iba pa.
Ito ay kaugnay ng graft case na kinakaharap ni Ricketts at mga kasamahan nito sa Sandiganbayan.
Kabilang din sa mga inisyuhan ng HDO sina Cyrus Paul Valenzuela, Manuel Mangubat, Joseph Arnaldo at Glena Perez.
Nag-ugat ang naturang graft case ni Ricketts at grupo nito nang absweltuhin nila ang may-ari ng mga piniratang DVD at CD na Sky High.
By Ralph Obina | Jill Resontoc (Patrol 7)