Pinangunahan ng DENR o Department of Environment and Natural Resources ang paglilinis sa Manila Science High School.
Ito’y makaraang tumapon ang may apat na vials ng mercury o asoge sa stockroom ng laboratoryo sa nasabing paaralan.
Ayon kay Manila Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Jhonny Yu, maliban sa mga tumapong asoge, tatlong hindi pa matukoy na radioactive materials ang tumapon din sa nasabing lugar.
Dahil dito, dalawang linggong isasara ang nasabing paaralan upang matiyak na magiging ligtas iyon sa anumang panganib.
Bumuo na rin ng inter-agency task force ang pamahalaang panglungsod ng Maynila para mag-inspeksyon sa nasabing paaralan.
By Jaymark Dagala