Muling kinontra ng prosecution ang paggigiit ng kampo ng dating Pangulong Gloria Arroyo na masailalim sa house arrest.
Sa kanilang isinumiteng opposition paper sa first division ng Sandiganbayan, binigyang diin ng prosecution na hindi dapat gamitin ni Arroyo ang kondisyon nito para abusuhin ang kabaitan ng korte.
Hindi na dapat humiling pa si Arroyo na malagay sa house arrest gayung naka-hospital arrest naman na ang dating Pangulo.
Una nang nagsumite ng medical certificate na pirmado ng dalawang doktor ni Arroyo ang kampo nito para pagtibayin ang iginigiit na house arrest para sa dating Pangulo.
By Judith Larino