Tuloy ang ginagawang paghahanda ng Commission on Elections o COMELEC para sa Barangay Elections sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang tanggalin ang halalang pang-barangay at italaga na lamang ang mga kapitan.
Sinabi ni COMELEC Chairman Andres Bautista, habang wala pang batas mula sa kongreso na opisyal na magpapatigil sa Barangay Elections, ipagpapatuloy nila ang paghahanda sa halalan.
Ayon kay Bautista, inilalatag na ng COMELEC ang calendar of activities para sa naturang halalan.
Patuloy rin, aniya, ang ginagawa nilang pagpunta sa mga lugar na may maraming unregistered voter at nagsasagawa pa rin sila ng satellite registration.
By Avee Devierte |With Report from Aya Yupangco