Hinamon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang kampo ng mga Binay na sampahan siya ng impeachment case kaugnay ng ipinalabas niyang suspension order laban kay Makati City Mayor Junjun Binay.
Hindi naitago ni Morales ang inis sa tila pagbibigay kulay sa ipinalabas niyang desisyon laban sa nakababatang Binay.
Iginiit ni Morales na walang pinapanigan ang Ombudsman at patunay lang aniya nito ay ang ginawang pagsibak kay resigned PNP Chief Alan Purisima na kilalang malapit sa Pangulong Noynoy Aquino.
Binigyang diin ni Morales na batas at ebidensya ang kanilang pinagbabatayan sa mga ipinalalabas nilang desisyon kaya’t mali aniyang sabihin na umaabuso siya sa kanyang kapangyarihan.
Kasabay, nito itinanggi din ni Morales na pine-pressure siya ng malakanyang upang gipitin ang pamilya Binay.
By Ralph Obina