Muling pinalawig ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang deadline para sa pagpapapalit ng mga lumang salapi..
Ito ay inaprubahan ng Monetary Board dahil sa demand ng publiko na bigyan pa umano ito ng panahon para makapagpalit ng new design series o NDS banknotes.
Ayon sa BSP, ang pagpapapalit ng mga lumang salapi sa BSP at sa mga bangko ay hanggang Hunyo 30 na lamang.
Habang simula Hulyo 1 ang lahat ng bangko at ang BSP ay hindi na umano tatanggap at magpapalit ng mga lumang pera.
By Race Perez
Photo Credit: Bangko Sentral ng Pilipinas Website