Nagpauna na si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya tatanggap ng kahit anong regalo sa kanyang ika-72 kaarawan sa Martes, Marso 28.
Ayon sa Pangulo, mapapahiya lamang ang gustong magregalo tulad ng nagbigay sa kanya ng mamahaling relo na kalauna’y kanyang isinauli.
Wala na anyang maniniwala sa kanyang kampanya kontra katiwalian kung siya mismo ay tatanggap at gagamit ng mga regalo mula sa ibang tao.
Iginiit ni Pangulong Duterte na hindi na niya kailangan ang mga materyal na bagay at ayaw niyang maging daan pa ito para ma-intriga o mabutasan ng kanyang mga kritiko.
Mga Chinese businessmen pinagsabihan ni Pangulong Duterte na magbayad ng tamang buwis
Pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Chinese businessmen na magbayad ng tamang buwis para hindi matukso ang mga taga-gobyerno sa katiwalian.
Sa kanyang talumpati sa 31st Biennial Convention of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry o FCCCI sa Mall of Asia, inihayag ng Pangulo na seryoso ito sa kanyang kampanya kontra korapsyon sa gobyerno.
Kapag may lumapit anya sa mga negosyante para maging padrino sa kanilang mga bayarin sa buwis, hinimok ng punong ehekutibo ang mga ito na magsumbong sa kanya para mabigyan ng leksyon.
Ayon sa Pangulo, sasampalin niya sa harap ng mga negosyante ang sino mang gustong mangomisyon sa buwis.
PAKINGGAN: Si Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping