Nahaharap sa kaso sa Sandiganbayan ang isang dating Alkalde at isang Konsehal ng Daanbantayan sa Cebu kaugnay sa maanomalyang 500 Thousand Peso financial grant sa isang agri business association.
Kinasuhan ng malversation of public funds at isang bilang ng anti graft and corrupt practices act sina dating Mayor Maria Luisa Loot at Councilor Samuel Moralde.
Ayon sa Ombudsman bigo sina Loot at Moralde na sumunod sa kondisyong nakasaad sa MOA o memorandum of agreement na pinasok ng local government sa RBA Quail Raisers Association hinggil sa ibinigay na kalahating Milyong Pisong loan sa nasabing grupo na na una nang humiling ng financial assistance nuong January 31, 2007.
Kabilang dito ang regular na monitoring at evaluation ng tamang paggamit ng pondo partikular sa quial raising project ng grupo.
Una na ring umamin si Moralde na siya ang Chairman ng asosasyon.
By: Judith Larino