Uubra nang makapagparehistro ang mga botante o i-update ang kanilang biometrics record sa iba’t ibang mall sa Metro Manila sa mga darating na weekend.
Ipinabatid ni COMELEC Chairman Andres Bautista na sa July 4 at 5 ay maaaring makapagparehistro sa Glorietta sa Ayala Center para sa mga residente ng Districts 1 at 2 ng Makati, Market Market para sa mga residente ng Taguig City, UP Town Center sa Diliman para sa mga taga-District 3 ng Quezon City at Fairview Terraces para sa mga taga-District 5 ng Quezon City.
Sa July 11 naman, puwedeng makapagparehistro sa Robinsons Place Manila, Robinsons Novaliches at Robinsons Metro East sa Pasig City.
Samantala, sa July 18 at 19, bukas ang pagpaparehistro sa Trinoma sa North Avenue para sa mga taga-Districts 1,2, 4 at 6 ng Quezon City.
Sinabi ni Bautista na lalagda rin sila ng kasunduan sa SM Group para makapaglagay ng satellite registration sa mga mall nito.
Itinakda sa October 31 ang deadline ng registration para sa mga boboto sa 2016 elections.
By Judith Larino