Dumami ang bilang ng mga kabataan na sangkot sa pre-marital sex dahil sa epekto ng internet at social media.
Ipinabatid ni Commission on Population Executive Director Juan Perez III, na isa sa tatlong babae at lalaki na may edad mula 15 hanggang 19-anyos ang maagang nakikipagtalik.
Sinabi ni Perez na batay sa inilunsad na Young Adult Fertility and Sexuality Study ng UP Population Institute and the Demographic Research and Development Foundation, lumalabas na ang mga kabataang may internet at pornographic materials ang may posibilidad na ma-expose dito.
Lumitaw din sa naturang pag-aaral na ginagawa ito ng mga lalaki bilang isang sexual act, habang ang babae naman ay dahil sa pag-ibig.
Dahil dito, aabot sa 11% hanggang 14% ang teenage pregnancy sa bansa lalo na sa Cagayan Valley, Cordillera at Caraga Region sa Mindanao kung saan 10% rito ay mga kababaihang may edad 20 pababa.
Kaugnay nito, sinabi ni Perez na plano nilang pababain ang pre-marital sex rate sa 6% hanggang 7% sa loob ng 5 taon.
By Meann Tanbio