Inaasahang magdedeklara ang CPP o Communist Party Of the Philippines ng unilateral ceasefire bago matapos ang buwan.
Ito’y bilang pagsuporta sa pagpapatuloy ng ika-apat na rounds ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng NDFP o National Democratic Front of the Philippines sa April 2 hanggang 6 sa Noordwijk, Netherlands.
Inaasahan naman ng CPP na magdedeklara rin ng unilateral ceasefire ang pwersa ng pamahalaan bilang napagkasunduan din sa back channel talks noong March 10 at 11.
Hiniling din ng CPP sa Armed Forces of the Philippines o AFP na maghinay-hinay sa mga opensiba laban sa mga komunistang rebelde para maisakatuparan ang tigil-putukan.
Umaasa rin aniya sila na palalayain ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 19 na matatanda at may sakit na political prisoners, kabilang ang apat na consultant ng NDFP at isang na-aresto kamakailan lamang.
By Meann Tanbio