Hinimok ng Liga ng mga Barangay na linawin ng Administrasyong Duterte ang planong pagtanggal ng barangay elections.
Ayon kay Liga ng mga Barangay President Attorney Edmund Abesamis, hindi malinaw kung kasama sa papalitang Barangay Officials ang mga tapat at marangal na nanunungkulan.
Sinabi rin ni Abesamis na paglabag ang nasabing plano sa Local Government Code kung saan nakasaad na karapatan ng mga botante na pumili at maghalal ng mga mamumuno sa kanilang barangay.
Samantala, nakatakda aniyang maglabas ng opisyal na pahayag ang Liga ng mga Barangay sa susunod na linggo, Abril Kwatro hanggang Sais, kaugnay sa planong pagtatalaga ng barangay officials.
Una nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang palitan ang mga opisyal ng barangay ng mga itatalaga niya dahil sangkot, aniya, sa iligal na droga ang 40 porsyento ng Barangay Captains.
By: Avee Devierte