Nakatakdang bisitahin ng DSWD o Department of Social Welfare and Development ang may 4.4 na milyong benepisyaryo ng 4 P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Ito’y ayon kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo ay upang muling isailalim sa revalidation ang kanilang mga miyembro makaraang pumutok ang usapin hinggil sa sangla 4P’s.
Nilinaw din ng kalihim na walang mangyayaring tokhang sa mga miyembro ng programa bagama’t sinabi nitong nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makatayo sa sariling paa ang mga nasa ilalim nito.
Batay sa tala, aabot sa 1.3 milyong pamilya ang nakatatawid sa kahirapan ngunit itinuturing na mahirap ng pamahalaan kaya’t nakapailalim ang mga ito sa nasabing programa.
By Jaymark Dagala