Tuloy pa rin ang paghahanda ng COMELEC o Commission on Elections para sa barangay at SK o Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.
Ito’y sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na plano niiyang muling ipagpaliban ang nasabing halalan sa halip ay magtalaga na lang ng mga uupong opisyal ng barangay.
Sa panayam ng programang Balitang 882 kay COMELEC Chairman Andres Bautista, bagama’t hindi ipinagbabawal, malinaw ang itinatadhana ng batas na kailangan ng batas upang muling maipagpaliban ang nasabing halalan.
Bahagi ng pahayag ni COMELEC Chairman Andres Bautista
Kasunod nito, nanawagan si Bautista sa mga kabataang may edad kinse (15) hanggang diesi siete (17) na magparehistro sa itinakdang petsa upang mabigyan ng pagkakataong makaboto.
Bahagi ng pahayag ni COMELEC Chairman Andres Bautista
Voters’ registration
Samantala, nagpahayag ng pangamba ang COMELEC na bumaba ang mga nagpaparehistro para sa gaganaping barangay at SK o Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.
Kasunod ito ng pagsusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na isuspinde ang darating na eleksyon dahil sa posibleng magamit sa kampanya ang pera mula sa iligal na droga.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, dahil sa pahayag na ito ng Pangulo ay posibleng akalain ng marami na hindi na matutuloy ang eleksyon.
Sa kabila nito, umaasa pa rin ang COMELEC na madaragdagan pa ang bilang ng mga bagong botante lalo ngayong papatapos na ang klase sa mga paaralan.
Magtatagal ang nationwide voters’ registration hanggang sa Abril 29.
By Jaymark Dagala | Balitang 882 (Interview) | Rianne Briones