Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na palawigin pa ng hanggang sa walong araw ang pitong araw na paternity leave.
Ito’y ayon kay Quezon City Rep. Alfred Vargas ay para mabigyan pa ng sapat na panahon ang mga ama na maalagaan ang kanilang asawa gayundin ang bagong silang nilang anak.
Pinaaamiyendahan ni Vargas ang Republic Act 8187 na ipinasa ng Kongreso bilang pagkilala sa pananagutan ng mga ama sa pangangalaga sa kaniyang asawa bago at habang nagbubuntis gayundin sa pagkapanganak ng kanilang supling.
Ginagarantiya rin sa nasabing panukala ang pagbibigay ng ibayong serbisyo at benepisyo sa bawat pamilyang Pilipino kahit kapwa hindi nakapapasok sa trabaho ang isang mag-asawa bunsod ng pagsilang ng kanilang anak.
By Jaymark Dagala