Imposible.
Ito ang pananaw ni House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman Sherwin Tugna sa balak ng Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga na lamang ng mga opisyal ng barangay kapag nakansela ang Baranggay at SK o Sangguniang Kabataan Elections.
Binigyang diin ni Tugna na hindi pinapapayagan ng local government code ang nasabing plano ng Pangulo dahil ang mga posisyon sa barangay level ay dapat idinadaan sa halalan.
Gayunman, sinabi ni Tugna na maaari namang ipagpaliban muli ang barangay election at isabay na lamang sa 2019 midterm elections.
By Judith Larino
Photo Credit: Sherwin Tugna Twitter Account