Hihintayin ng Malakanyang na makapag-pasa ang Kongreso ng isang batas para makapagtalaga ng officers-in-charge sa mga Barangay kaysa magpatawag eleksyon sa Oktubre.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi ipipilit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang balak dahil alam nito ang batas.
Binigyang diin ng kalihim na abogado ang Pangulo kaya’t alam nito ang batas at mga hindi dapat gawin.
Masyado pa anyang maaga para mag-react ang mga kritiko dahil idaraan sa konsultasyon ang planong pagtatalaga ng ehekutibo ng mga o.i.c. sa mga barangay.
Magugunitang inihayag ni Pangulong Duterte na hindi niya nais magkaroon ng barangay elections upang hindi na magamit ang narco-money sa kampanya lalo’t 40 percent ng mga kapitan del barrio ay sangkot sa illegal drugs trade.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping