Ini-atras na ng isa sa 29 na biktima ng rent-tangay at sangla scam ang kaso laban sa mga respondent.
Ayon kay Narciso Inovero, na kabilang sa first batch ng mga complainant, napapabayaan na nila ang kanilang bukid at hanapbuhay dahil laking abala ang pagdalo sa mga hearing.
Ipinaliwanag ni Inovero na naibalik naman sa kanila ang Toyota Vios na kanilang pinarentahan para kumita ng malaki sa mga respondent kaya’t naghain na lamang sila ng desistance.
Samantala, naghain na ng kanilang kontra-salaysay ang mga ang mga respondent na sina Anastacia Cauyan at Rafaela Anunciacion kung saan iginiit ng mga ito na lehitimo ang kanilang negosyo.
Kabilang din sa dumalo ang ilang miyembro ng PNP-HPG na siyang nagsampa ng kaso laban sa mga respondent.
By: Drew Nacino / Bert Mozo