Sumugod sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang Transport Group Drivers Unite for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER.
Ito’y upang i-protesta ang operasyon ng mga Transport Network Vehicle Service gaya ng Uber at Grab.
Ayon kay DUMPER Vice President Gerry Donesa, humihina na ang kita ng mga regular taxi driver sa bansa dahil mga T.N.V.S.
Nakapagpapalala rin anya sa daloy ng trapiko sa Metro Manila ang Uber at Grab na kapwa hindi umano nagbabayad ng tax.
Inihirit naman ng grupo sa LTFRB na umaksyon na laban sa Grab at Uber.
Samantala, nilinaw ng L.T.F.R.B. ni-re-regulate naman nila ang mga TNVS provider sa pamamagitan ng pag-suspinde sa pagtanggap ng mga bagong application.
By: Drew Nacino