Binalaan ng OPAPP o Office of the Presidential Adviser on the Peace Process ang publiko laban sa mga nagpapanggap na kawani ng kanilang ahensya.
Ito’y makaraang makatanggap sila ng sumbong mula sa ilang indibiduwal na humihingi ng reservation fees sa mga kumpaniya para makakuha ng kontrata sa mga umano’y proyekto ng OPAPP.
Sa Facebook post ni Presidential Peace Adviser Jess Dureza, wala silang pinapayagan na sinumang tao para mag-alok ng mga proyekto gamit ang kanilang ahensya.
Anumang proyekto aniya na kanilang ikinakasa ay nakasunod sa batas at panuntunan upang hindi mabahiran ng katiwalian.
By: Jaymark Dagala