Ibinasura ng Korte Suprema ang inihaing disbarment case ni dating Manila Councilor Greco Belgica laban kay Ombudsman Conchita Carpio – Morales.
Ayon kay Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te, ginawa ng En Banc ang desisyon dahil sa kakulangan ng merito sa nasabing reklamo.
Magugunitang ipinadi-disbar ni Beligca si Morales dahil sa absuwelto nito kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa mga dapat kasuhan sa usapin ng DAP o Disbursement Acceleration Program.
Giit pa ni Beligca sa kaniyang petisyon, malinaw ang naging pagkiling ni Morales sa dating Pangulo na nagtalaga sa kaniya sa puwesto para papanagutin hinggil sa nasabing usapin.
By: Jaymark Dagala