Patay ang tatlo katao matapos pagbabarilin sa loob mismo ng isang bahay sa Commonwealth Avenue Barangay Old Balara Quezon City.
Batay sa ulat, pawang tama sa ulo ang ikinasawi ng mga biktima na nakilalang sina Robert Mago, isang alyas Annabelle at isang alyas Roy.
Ayon sa testimonya ng mga residente, tatlong lalakeng naka-bonnet ang nakitang pumasok sa bahay at pagkaraan ng ilang sandali ay nakarinig na sila ng sunod-sunod na putok.
Sinasabing ang lugar na pinangyarihan ng krimen ay pugad ng video karera.
Samantala, arestado naman ang tiyuhin ng isa sa mga nasawi na nakilalang si Mado dahil matapos nitong pagbabarilin ang mag-asawa na hinihinala nyang nasa likod ng pagpatay sa kanyang pamangkin.
Naisugod naman agad sa ospital ang mag-asawa.
By Len Aguirre