Hiniling ng isang human rights groups sa Canada sa kanilang Ministry of Foreign Affairs na hindi nagagamit sa pambobomba ng mga sibilyan ang mga helicopters na ibinenta ng kanilang bansa sa Pilipinas.
Sumulat si Bern Jagunos ng International Coalition for Human Rights in the Philippines sa Ministry of Foreign Affairs ng Canada kasunod ng report na nasunog at nasira ang mga sakahan ng mga katutubo sa bayan ng Malibcong Abra matapos ang air strike na isinagawa laban sa mga rebelde doon.
Ayon kay Jagunos bagamat walang iniulat na nasawi sa mga air strikes, hindi maikaka-ila na maraming komunidad ang natakot at daan-daang pamilya ang nagsilikas na mula sa kanilang tahanan.
Matatandaan na iniutos ng Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na bombahin ang mga kabundukan at pasensyahan na lamang kung magkaroon man ng collateral damage.
Sinabi ito ng Pangulo makaraang mapatay ng NPA o New People’s Army ang ilang pulis at sundalo.
By Len Aguirre