Apektado na ang Bicol region ng outer rainband ng Low Pressure Area (LPA) matapos na lumapit pa ito sa kalupaan sa eastern section ng Pilipinas.
Ang sentro ng LPA ay pinakahuling namataan sa layong 560 kilometro silangan ng Legazpi City.
Nakapaloob ang LPA sa Inter Tropical Convergence Zone kaya’t asahang magdadala pa ito ng matinding buhos ng ulan.
Maliban sa Bicol provinces, umaabot din hanggang Visayas ang lawak ng mga pag-ulang dala nito.
Ibinabala pa ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang thunderstorms sa malaking bahagi ng Visayas, northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Mindoro at Palawan.
Maaari ring maulit ang malakas na buhos ng ulan ngayong araw na ito sa Metro Manila at maging sa mga karatig lalawigan.
By Judith Larino