Nagbabala ang mga otoridad sa panibagong modus na kung saan posibleng mapilitan ang mga babaeng biktima na pumasok sa prostitusyon.
Ayon sa anti-trafficking in persons division ng PNP Women and Children Protection Center, nabiktima ng isang Augustine Alvarez ang isang 18 anyos na babaeng taga-Batangas na nagsabing modus ni Alvarez na himukin ang mga babae na nakikilala niya sa mobile dating app na Skout at pinagpapadala niya sila ng mga hubad na larawan at videos sa pamamagitan ng mobile messaging app na Viber.
Ayon sa biktima, tinakot siya ni Alvarez na ipopost online ang mga maseselan niyang larawan at videos kung hindi makikipagkita sa kanya.
Nahaharap ngayon si Alvarez sa mga kasong paglabag sa anti-trafficking act of 2012, anti-rape law of 1997, cybercrime prevention act of 2012, anti-photo and video voyeurism act of 2009, at grave threat.
By: Avee Devierte