Aktibong nakikipag-ugnayan ang pambansang pulisya sa CHR o Commission on Human Rights gayundin sa Amnesty International.
Ito’y upang maunawaang maigi ng mga pulis ang konsepto ng Extra-Judicial Killings gayundin ang pagtukoy kung paano nalalabag ang karapatang pantao.
Ayon kay PNP Human Rights Affairs Office Director C/Supt. Dennis Siervo, umaabot pa aniya ng dalawang beses kada buwan ang kanilang pakikipagpulong sa mga nasabing human rights group.
Binigyang diin pa ni Siervo na kaniya na ring nasagot ang mga hinaing ng Amnesty International nang imbitahan niya ang grupo gayundin ang CHR sa Kampo Crame nuong isang taon.
Mula nuon aniya ay hindi na siya nakatanggap pa ng anumang ulat mula sa Amnesty International maliban sa grupong nakabase sa Europa na nagpalabas ng ulat hinggil sa mga binabayarang pulis sa war on drugs.
By: Jaymark Dagala