Tuloy pa rin ang extortion activities ng NPA o New People’s Army sa mga mahihirap na magsasaka at maliliit na negosyante.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ngayong buwan lamang ay hindi bababa sa siyam na pag-atake ang isinagawa ng NPA sa ilang mga plantasyon ng saging at pinya sa Mindanao na ikinasawi ng pitong sundalo at dalawang hinihinalang rebelde.
Aniya, aabot sa daan-daang milyong Piso ang sinira ng NPA sa mga nakalipas na buwan.
Ipinabatid ni Piñol na makikipagpulong siya kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa naturang usapin.
By: Meann Tanbio