Mananatili sa pwesto si Customs Commissioner Nicanor Faeldon hangga’t hindi ipinag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin ang opisyal.
Inihayag ito ni Presidential Spokesman Ernesto Abella matapos mapaulat na may nilagdaang appointment papers si Executive Secretary Salvador Medialdea na magtatalaga sa isang indibidwal na papalit kay Faeldon sa Customs.
Batay sa kumalat na text messages, isang “Victorino” ang ipapalit kay Faeldon na ayon na rin sa pamunuan ng ahensiya ay disinformation lang sa harap ng maigting na pagsugpo sa korupsyon sa BOC.
By: Meann Tanbio