Ibinasura ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang hiling ng National Democratic Front – Philippines (NDFP) na 10 araw na SOMO o Suspension of Military Operations sa lalawigan ng Bukidnon.
Kasunod na rin ito nang pagpapalaya sa isang pulis na mahigit isang buwan nang bihag ng mga rebelde.
Sinabi ni 4th Infantry Division Spokesman Capt. Joe Patrick Martinez na natutuwa silang mapapalaya na si PO2 Anthony Natividad subalit hindi aniya nila uubrang suspendihin ang kanilang mga operasyon laban sa New People’s Army (NPA).
Ipinabatid naman ni 4th Infantry Division Commander Major General Benjamin Madrigal na patuloy pa ring nanggugulo ang NPA sa Bukidnon kaya’t dapat manatili ang presensya ng mga sundalo rito.
By Judith Larino