Inilunsad na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang Taskforce Reach Out o mas pinaigting na pagsagip sa mga nakatira sa lansangan.
Ayon kay Manila Social Welfare Office Chief Nanette Tanyag, mahalagang matanggal ang mga pamilyang nakatira sa kalye dahil sa tindi ng sikat ng araw na lubhang mapanganib sa kalusugan at delikado rin aniya ito dahil exposed ang mga ito sa karasahan at pang – aabuso.
Makakatulong ng Manila Social Welfare Office ang pulisya, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Philippine National Railways o PNR.
Tinatayang nasa tatlo hanggang apat na libong indibidwal ang nakatira sa lansangan at ang mga ito ay ihahatid sa Manila Boy’s Town sa Marikina o kaya ay tutulungang makabili ng ticket pabalik sa kani – kanilang mga probinsya.
By Katrina Valle |With Report from Aya Yupangco