Idinepensa ni Senador JV Ejercito ang dating pangulo ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada sa hindi pagdalo sa paglulunsad ng UNA o United Nationalist Alliance.
Ayon kay Ejercito, hindi bahagi ng UNA ang PMP o Partido ng Masang Pilipino na pinamumunuan ng kaniyang ama.
Ipinabatid ni Ejercito na ang alyansa ng UNA at PMP ay iba sa paglulunsad ng partido kahapon kung saan ang pangulo ay si Congressman Toby Tiangco at Vice President naman si Senador Gregorio Honasan.
Subalit nilinaw ni Ejercito na nananatiling magkaibigan ang dalawang pamilya o higit pa sa pulitika ang kanilang relasyon.
Gayunman, inamin ng senador na mahirap sa pamilya nilang mag-desisyon kung sino ang susuportahan sa 2016 kapag nagpasya ring sumabak sa presidential elections si Senador Grace Poe.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)