Posibleng gamitin laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga naging pahayag hinggil sa extra-judicial killings sa ilalim ng war on drugs ng pamahalaan
Ito’y ayon kay CHR o Commission on Human Rights Chair Chito Gascon ay sakaling maisampa na ang kaso laban kay Pangulong Duterte sa ICC o International Criminal Court
Ayon kay Gascon, itinuturing na pambansang polisiya ang lahat ng mga nagiging pahayag ng Pangulo ng bansa at maaari aniya itong gamitin ng mga imbestigador at taga-usig sa ICC upang pananagutin sa kaniyang mga pagkakasala
Taliwas naman ang pahayag na ito ni Gascon sa nauna namang pahayag ni CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel Gana na hindi maaaring gamiting batayan ang mga sinasabi ng Pangulo para patunayang state sponsored nga ang mga nangyayaring patayan.
By: Jaymark Dagala