Humirit sa Sandiganbayan 5th Division si dating Senador Jinggoy Estrada ng dalawang (2) araw na furlough para makadalo sa 80th birthday celebration ng kanyang ama na si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada sa April 19.
Nakasaad sa petisyon ni Estrada na bihira sa isang tao na makapagdiwang ng kanyang ika-80 taong kaarawan kasama ang kanyang buong pamilya.
Bukod dito, sinabi ni Estrada na pinayagan ang kanyang ama na noo’y ay naka-detain dahil sa kasong plunder na makalabas mula sa kanyang detention cell sa loob ng 36 oras para makadalo sa ika-99 taong kaarawan ng nanay ni Erap noong April 28, 2004.
Kasalukuyang nakapiit ang dating Senador sa PNP Custodial Center dahil sa kasong plunder may kaugnayan sa pork barrel fund scam.
By Meann Tanbio