Naungusan na ni Lebron James si Shaquille O’Neal sa scoring list ng NBA.
Ito ay kasunod ng kanyang free throw sa ika-apat na quarter ng kanilang laban kontra Chicago Bulls.
Dahil sa free throw, nakapag buslo na si James ng kabuuang 28, 597 points, para makuha ang ika-pitong slot sa listahan, mas mataas ng isang puntos sa iskor ni Shaq.
Nangunguna sa listahan si Kareem Abdul – Jabbar na may mahigit sa 38,000 puntos, at sinundan naman siya nina Karl Malone, at Kobe Bryant.
Nasa listahan din sina Michael Jordan, Wilt Chamberlain at Dirk Nowitzki.
By Katrina Valle