Puspusan na ang paghahanda ng Russia sa nakatakdang pagbisita doon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Mayo.
Ayon kay Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev, nais nilang maging matagumpay ang pagbisita ng Pangulong Duterte dahil maituturing itong milestone sa bilateral relation ng dalawang bansa.
Sinabi ni Khovaev na bukas ang Russia na pag-usapan ang kahit anong uri ng paksa na gusto ng Pilipinas.
Inihahanda na rin anya nila ang mga kasunduan na lalagdaan ng Pangulong Duterte at ni Russian President Vladimir Putin.
By Len Aguirre |With Report from Aya Yupangco