Ipinagtanggol ni Senador Kiko Pangilinan ang media kasunod ng pambabatikos dito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ni Pangilinan, bahagi ng demokrasya ang malayang pamamahayag at pamumuna sa mga opisyal ng gobyerno, kabilang na ang Pangulo.
Giit ng pinuno ng Liberal Party, tumitibay ang demokrasya at kalayaan dahil sa malayang pamamahayag.
By: Avee Devierte