Muling maghaharap sa ika-apat na pagkakaton ang mga negosyador ng gobyerno at kilusang komunista sa the Netherlands sa Abril 2 hanggang 6.
Sinabi kahapon ni Government Chief Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III, nakahanda na ang government panel para sa fourth round ng peace talks sa New Democratic Front at nakahandang harapin ang ano mang hamon sa layuning magkaroon ng ganap na kapayapaan sa bansa.
Ayon kay Bello, sesentro ang pag-uusapan sa socio-ecoonomic reforms, na itinuturing na puso at kaluluwa ng peace process at para mabigyang solusyon ang ugat ng pakikipaglaban ng kilusang komunista.
Inaasahan na ng kalihim na magiging mahirap ang diskusyon dahil sa mga maselang isyung tatalakayin ng magkabilang panig.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping