Namemeligrong malagay sa alanganin ang mga opisyal at empleyado ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kapag napatunayang sangkot sa sabwatan sa illegal recruiters.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, nakarating sa kanya ang isyu ng direct hiring ng mga Overseas Filipino Workers kung saan nabibigyan ng overseas certificate of employment ang ilang grupo ng mga illegal recruiters kapalit umano ng lagay.
Aniya, ang masaklap pagdating sa ibang bansa ay walang naghihintay na trabaho sa mga OFW na nabiktima ng illegal recruiters.
Sinabi ni Bello na pinaiimbestigahan na niya kung sinu-sino ang mga opisyal at empleyadong tiwali at nakikipagkutsabahan sa mga illegal recruiters.
Dahil ditto, pagbalik ng kalihim mula sa the Netherlands ay ipapatupad ang balasahan at sisibakin ang mga dapat na matanggal sa puwesto sa POEA.
By: Jelbert Perdez/ Aileen Taliping