Dalawa na ang patay habang apat ang nawawala sa patuloy na pagtaas ng binahang mga ilog sa Australia dahil matapos bayuhin ng category 4 na bagyo na katumbas ng super typhoon sa Pilipinas.
Ayon sa report ng Agence France Presse, pinalilikas na ng mga otoridad ang mga residente ng Rockhampton City na may populasyong aabot sa 80,000 dahil sa inaasahan pagtaas ng lebel ng tubig sa Fitzroy River na hindi pa nakita sa nakalipas na 100 taon.
Pinag-iingat din ng mga otoridad ang mga naninirahan malapit sa Logan River na dumadaan sa Beenleigh sa timog ng Brisbane.
Una nang nailikas ang libo-libong residente sa Queensland at New South Wales dahil pa rin sa matinding pagbaha.
By Jonathan Andal