Nagbuga ng puting abo ang Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa PHIVOLCS, mahina o weak emission lamang na umabot sa 100 metro ang taas ang naitala nila bukod pa sa isang beses na paggalaw o volcanic earthquake.
Natukoy na ang mga aktibong vent sa paligid ng Mount Bulusan na pinagmulan nang pagbuga na patungong timog silangan.
Ipinabatid pa ng PHIVOLCS na batay sa isinagawang precise leveling noong January 29 hanggang February 3, namataan ang deflationary changes o pag-impis ng paligid nito mula pa noong October 2016.
Sa kasalukuyan ay patuloy pang ino-obserbahan ang Mount Bulusan lalo na’t nakataas pa rin ito sa alert level 1 na nangangahulugan ng abnormal na aktibidad ng bulkan.
By Judith Larino