Halos 61 matataas na kalibre ng baril at daan-daang bala ang narekober ng mga sundalo sa patuloy na focused military operations laban sa grupo ng Alwless Elements sa munisipyo ng Omar sa lalawigan ng Sulu.
Sinabi ni Col. Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu na nakuha nila ang dagdag na 27 baril sa magkakahiwalay na barangay sa operasyong pinangunahan ng Task Force Group Panther at 4th Scout Ranger Company.
Una nang na-aresto sa joint operation ng militar at PNP o Philippine National Police sa Barangay Capual ang mismong lider ng grupo na si Saudi Hamja kasama ang limang tauhan nito kung saan narekober ang 36 na high powered firearms, mga bala at iba pang war materials.
7 armas ang unang narekober ng mga otoridad sa naunang operasyon, 12 naman sa sumunod na operasyon at dalawa sa ikatlong operasyon.
Ayon kay Sobejana patuloy nilang tinutugis ang mga nakatakas na miyembro ng Hamja Group sa hinihinalang may ugnayan sa Abu Sayyaf.
By Judith Larino