Nangunguna pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa online poll ng “Top 100 most influential people in the world” ng Time magazine, ngayong taon.
Nananatili sa number 1 si Pangulong Duterte sa botong 5 percent na sinundan nina Russian president Vladimir Putin, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Pope Francis, Microsoft co-founder Bill Gates, Mark Zuckerberg ng Facebook, na pawang nakakuha ng 3 percent.
Nasa 7th spot naman ang kapwa leader ni Duterte na si US president Donald Trump, na umani ng 2 percent.
Magtatapos ang online voting ng Time magazine sa April 16 at ilalabas ang official list sa April 20.
By Drew Nacino