Nananatiling sapat ang suplay ng kuryente sa buong bansa ngayong papasok na ang panahon ng tag-init o summer season.
Ito ang muling pagtitiyak ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines sa kabila ng inaasahang mataas na pagkonsumo ng kuryente sa mga kabahayan dahil sa mainit na panahon.
Ayon sa NGCP, walang inaasahang brownout sa buong bansa maliban na lamang kung magkakaroon ng mga unscheduled maintenance shutdown at kung tataas ang demand sa kuryente nang lagpas sa inaasahan.
Batay sa pagtaya ng NGCP, inaasahang aabot sa mahigit siyam na libo at walongdaang (9,800) megawatts ng kuryente ang magiging demand sa susunod na buwan.
Ngunit, nananatili pa rin naman ang peak suplay ng kuryente sa mahigit labing isang libong (11,000) megawatts o katumbas ng isang libong megawatts ng reserve power.
By Jaymark Dagala