Mahigit limandaang (500) pulis ang ipapakalat kaugnay sa idaraos na Palarong Pambansa 2017 sa Antique.
Ayon kay Police Regional 6 Spokesman Supt. Gilbert Gorero, ide-deploy nila ang mga naturang pulis sa points of entry and exit, billeting areas at ibat ibang venue sa pagdarausan ng mga sports event.
Nakikipag ugnayan na rin sila sa AFP o Armed Forces of the Philippines para sa iba pang detalye ng security preparations sa Palarong Pambansa na lalahukan ng mahigit 12,000 delegado.
By Judith Larino