Naka-depende sa resulta nang pag-uusap ng CPP-NPA-NDF at government panel sa isyu ng bilateral ceasefire agreement ang tagumpay ng ika-apat na round ng peacetalks.
Binigyang diin ito ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, sa gitna na rin nang pagkaka-antala ng opening ceremony ng pinakahuling peacetalks.
Sinabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kailangang pag usapan ng magkabilang panig ang last minute instruction ng Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t naantala ang seremonya.
Bukod sa bilateral ceasefire, tututokan din sa 4th round ng peacetalks ang comprehensive agreement on socio economic reforms.
By Judith Larino