Nangolekta lamang ng maritime scientific samples ang survey ship ng China sa tatlong buwang paglilibot nito sa Western Pacific.
Ito ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana ang ini-report ng China Ocean News na hindi naman eksaktong tinukoy kung saan sa Western Pacific naglibot ang kanilang survey ship.
Sinabi ni Sta. Romana na water sample at seabed sediments ang kinolekta ng nasabing survey ship ng China.
Ipinabatid ni Sta. Romana na magiging mahalaga lamang ang ginawa ng survey ship kung ang seabed sediments ay may kinalaman sa resources o exploration ng natural resources.
By Judith Larino