Hindi pa rin maipapatupad ng PNP-DPRM o Philippine National Police – Directorate for Personnel and Records Management ang resolusyon o hatol sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte.
Sinabi ni DPRM Director Chief Supt. Rene Aspera na kahit pa pirmado na ni PNP Ronald “Bato” Dela Rosa ang resolusyon, ipapaalam muna nila sa grupo ni Supt. Marvin Marcos ang nasabing hatol sa mga ito.
Ito aniya ay para bigyan ng pagkakataon ang mga sangkot na pulis na makapag-file ng motion for reconsideration kung gugustuhin ng mga ito at para hindi mabutasan ang PNP kapag ipinatupad na ang hatol.
Taliwas sa pahayag ni Dela Rosa na may madi-dismis sa grupo ni Marcos, ipinabatid ni Aspera na suspension at demotion lamang ang ipatutupad nilang hatol at wala sa grupo ni Marcos ang tuluyang masisibak sa serbisyo.
By Judith Larino |With Report from Jonathan Andal