Handa ang militar na makipag-ugnayan sa pambansang pulisya at iba pang law enforcement agencies para sa kakailanganing seguridad ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Sa harap ito ng banta ng NDF o National Democratic Front na ipaaresto si Aquino dahil sa Kidapawan incident kung saan tatlo ang namatay at higit 100 ang sugatan mula sa hanay ng mga magsasakang nagkilos protesta noong isang taon.
Ayon kay AFP Spokesman, Brigadier General Restituto Padilla, bagama’t trabaho na ng pulis ang usaping ito, magtatalaga pa rin sila ng mga sundalo upang bantayan ang dating Pangulo sakaling hilingin ito sa kanila.
Sa ngayon, mayroon ng protective detail si Aquino.
Kaugnay nito nanindigan si Padilla na hindi dapat kilalanin ang utos ng NDF laban kay Aquino at iba pang opisyal ng pamahalaan kaugnay ng Kidapawan incident dahil hindi naman ito Korte kaya iligal ang anumang iutos nito.
By Avee Devierte |With Report from Jonathan Andal