Puspusan na ang paghahanda ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa dagsa ng mga bakasyunista ngayong papalapit na Semana Santa.
Nagsagawa ng inspeksyon ang LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa ilang mga terminal ng bus.
Ngayon pa lamang ay dagsa na kasi ang mga pasahero na uuwi o magbabakasyon patungo sa mga lalawigan upang duon gugulin ang holy week.
Pagtitiyak naman ng DOTr o Department of Transportation na walang ipatutupad na toll hike o taas singil sa mga pangunahing tollways sa bansa.
Samantala, naglibot din ang Philippine Coast Guard sa mga pangunahing pantalan kung saan, isinailalim din sa pagsasanay ang mga lifeguard.
By Jaymark Dagala